Tuesday, December 31, 2013




“Tara na’t pasyalan ang kagandahan ng Boracay”




Ang Boracay ay tunay na napaka-gandang puntahan dito sa ating bansa. Tanyag ito sa pagkakaroon ng white sand at malinaw na tubig. Pwede kang mag-pahinga rito kasama ang iyong mga kapamilya o kaya naman ang mga kaibigan. Mayroon itong magagandang tanawin tulad ng Boracay Beach, Puka o Yapak Beach at marami pang iba. Mas mabibigyang halaga at pansin ang yaman ng ating bansa kung papasyalan natin ang mga magagandang tanawin sa Pilipinas.



Boracay Beach
    Kilala sa kanyang white sand at malinaw na tubig. Pwede kang mag-scuba     diving, helmet diving, snorkeling, windsurfing, kite boarding at cliff diving       dito. Tiyak na masisiyahan ka sa mga gawaing ito.





Puka o Yapak Beach 
  Matatagpuan dito ang mga Puka Shells na ginagawang kwintas o kaya             naman bracelet. Dito mo rin makikita ang makapigil hiningang paglubog ng     araw o takipsilim.




Talipapa Market o D' talipapa
   Makakabili ka dito ng mga iba't ibang gamit sa murang presyo. Marami            kang mabibiling souvenirs tulad ng mga Puca Shell bracelets, kwintas,            sombrero, keychains, t-shirts at marami pang iba sa mababang presyo.          Marami ring nagtitinda ng mga pagkain.



7- Agoncillo Grupo 4
Mga Miyembro:

Santibanez, Elijah John
Guese, Jan Mackenzie
Pare, Janelle Anne
Tapnio, Ehlia Janelle